Home NATIONWIDE Gaza ceasefire hirit ni Pope Francis sa Easter Sunday message

Gaza ceasefire hirit ni Pope Francis sa Easter Sunday message

MANILA, Philippines- Nanawagan si Pope Francis ng agarang ceasefire sa Gaza at pagpapalaya sa lahat ng Israeli hostages sa isang mensahe nitong Easter Sunday na nagmarka ng pinakamahalagang araw sa kalendaryong Kristiyano.

Inihayag ng Santo Papa ang kanyang “Urbi et Orbi” at mensahe sa isang Misa sa St Peter’s Square.

Si Francis ay mahina ang kalusugan nitong mga nakaraang linggo dahilan para kanselahin ang mga pakikipag-ugnayan nito tulad ng ginawa niya noong Byernes Santo.

Gayunman, nakibahagi siya sa iba pang mga aktibidad nitong Holy Week at humarap nitong Easter Sunday.

Ipinagdiriwang sa Pasko ng Pagkabuhay ang araw kung saan naniniwala ang mga mananampalataya na si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay.

“I appeal once again that access to humanitarian aid be ensured to Gaza, and call once more for the prompt release of the hostages seized on last October 7 and for an immediate ceasefire in the Strip,” sinabi ni Pope Francis sa kanyang Urbi et Orbi address.

“How much suffering we see in the eyes of children, the children have forgotten to smilein those war zones. With their eyes, children ask us: Why? Why all this death? Why all this destryction? War is always an absurdity and a defeat,” dagdag pa ng pontiff.

Ang mensahe ng papa sa Pasko ng Pagkabuhay ay tradisyunal na nakatuon sa mga gawain sa mundo at binanggit niya ang iba pang mga lugar kabilang ang Ukraine, Syria, Lebanon, Armenia at Azerbeijan, Haiti, Myanmar, Sudan, ang Sahel at Horn ng Africa regions, Congo at Mozambique.

Kinondena rin ni Francis ang human trafficking at ipinagdasal ang “path of hope” o landas ng pag-asa sa mga nagdurusa sa karahasan, gutom at mga epekto ng climate change, gayundin sa mga biktima ng terorismo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDOH sa publiko: Iwasang magbiro ng may kinalaman sa sakit ngayong April Fool’s Day
Next articleLibo-libong indibidwal inasistihan ng PH Red Cross noong Semana Santa