Home LIFESTYLE HEALTH DOH: Stress, labis na pagkain, paninigarilyo, iwasan ngayong Holiday Season

DOH: Stress, labis na pagkain, paninigarilyo, iwasan ngayong Holiday Season

279
0

MANILA, Philippines – Sa pagpasok ng Holiday season, muling nagpaalala ang Department of Health sa publiko na alamin at iwasan ang mga risk factors ng heart attack.

Bukod sa paninigarilyo, sinabi ng DOH na ang obrang pagkain, at kakulangan sa ehersisyo, itinuturing na malaking panganib ang matinding emotional at physical stress na maaaring magdulot ng biglaang pagtaas ng presyon, paninikip ng dibdib, at maging atake sa puso.

Payo ng DOH sa publiko na agad pumunta sa pinakamalapit na ospital sakaling makaranas ng sintomas ng heart attack upang maiwasan ang mas malalang komplikasyon.

Patuloy na itinatampok ng DOH ang mga programang pangkalusugan upang mapalakas ang kaalaman ng publiko sa pag-iwas sa sakit sa puso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here