Home NATIONWIDE ‘Big fish’ sa flood control mess, nangakong tutugisin – Malakanyang

‘Big fish’ sa flood control mess, nangakong tutugisin – Malakanyang

243
0

MANILA, Philippines – Nangako ang adminsitrasyong Marcos na huhulihin ang “big fish” na nasa likod ng maanomalyang flood control projects.

Muling inulit ni Presidential Communications Actng Secretary Dave Gomez ang naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand marcos Jr., na magpa-Pasko sa kulungan ang mga sangkot sa korapsyon sa flood control projects.

“Ngayon tatlong buwan pa lang simula nung binunyag ng ating Pangulo ito at marami nang nakasuhan at marami pang makakasuhan at meron ng mga nakulong at pangako nga ng Pangulo natin, bago mag-Pasko, mas marami pang makukulong. Kasama na diyan yung mga tinatawag nilang big fish,” ang sinabi ni Gomez sa isang panayam.

Ang pahayag na ito ni Gomez ay sa gitna ng nagpapatuloy na malawakang anti-corruption protests na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ani Gomez, mahalaga ngayon na magkaroon ng malakas na ebidensiya sa kasong binubuo sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

“Ang importante lang talaga, mapatibay natin ‘yung ating mga ebidensya sa ating case build-up para this time around walang makakalusot sa mga nagnakaw sa bayan. Sisiguraduhin natin mananagot sila at mababawi natin yung kanilang mga ninakaw,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Gomez na determinado ang gobyerno na bumuo ng ‘airtight cases’ laban sa mga sangkot sa kontrobersiyal na flood control mess.

“Yan ang iniiwasan natin. Kaya nga sinasabi ko…kailangan matibay talaga ‘yung kaso na ihahain natin. So, sa ngayon, nag-build up tayo ng ating mga kaso, nag-iipon tayo ng mga ebidensya, and hopefully, the evidence will lead us to conviction of these people and mabawi natin yung kanilang mga ninakaw,” ang winika ni Gomez.

Samantala, muling inulit ni Gomez na ginagalang ng Malakanyang ang freedom of speech at karapatan sa mapayapang pagtitipon-tipon.

“Ito (protest actions) ay parte ng kanilang freedom of speech. So kami patuloy lang nagmo-monitor at sana manatiling mapayapa ‘yung mga rally at maging vigilant lang tayo na bantayan natin ‘yung ating mga hanay sa mga may masamang balak na manggulo,” ang pahayag ni Gomez. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here