MANILA, Philippines- Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na hindi ito aatras sa kampanya kontra money laundering at terrorism financing kasunod ng pagkaalis ng Pilipinas sa listahan ng high-risk countries for financial crimes ng European Commission.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipupursige pa ng DOJ ang implementasyon ng mga polisiya at mga hakbang para makamit ang economic integrity.
“This accomplishment is an affirmation of our government’s unyielding stand against money laundering and terrorism financing, it will also serve as a catalyst for the DOJ to further strengthen the rule of law not just within the Philippines but even at a global stage,” ani Remulla.
Magugunita na inanusyo ng European commission na kasama ang Pilipinas sa mga inalis sa listahan ng mga high-risk jurisdictions. Kabilang dito ang Barbados, Gibraltar, Jamaica, Panama, Senegal, Uganda at United Arab Emirates.
Ayon sa DOJ, nangangahulugan ito na epektibong natutugunan ng Pilipinas ang technical deficiencies sa anti-money laundering at counter-terrorism financing. Teresa Tavares