Home ENTERTAINMENT Pokwang, nag-lecture sa kabit, na-bash!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Pokwang, nag-lecture sa kabit, na-bash!June 14, 2025 11:232230 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Obyus na walang pinanggagalingan ang mga hanash ni Pokwang sa social media.May isa kasing netizen na nanghingi ng opinyon tungkol sa mga kabit.Gusto kasi nitong malaman kung may peace of mind daw ba ang mga mistress considering nanakapanakit sila ng damdamin ng ibang tao lalo’t may mga batang involved na nagresulta sa broken family.Dito na pumasok ang two cents’ worth na opinyon ni Pokwang.Tinawag niyang malalandi ang mga kabit na ginamit lang ang kanilang kapokpokan at kakatihan para makapang-agaw ng lalaki.Dagdag pa ng TV host-comedienne, maaaring ngayon daw ay nagbubunyi ang mga kabit pero nakakatiyak siyang: “The wrath of God is coming!”Kunsabagay, may punto naman si Pokwang.Pero maagap siyang pinaaalalahanan ng mga netizens na in the first place, she was never legally married to Lee O’Brian.And therefore, walang karapatan si Pokwang na maglabas ng kanyang hanash tungkol sa mga kabit.Nag-lecture pa ang isang netizen tungkol sa salitang “mistress.”Ayon dito, by definition, ang nasabing salita ay tumutukoy sa isang babae who’s into a relationship with a married man.Sa simpleng kahulugan nga naman nito’y hindi papasa o swak kung sinumang kabit ni Lee ang pinatutungkulan niya.Ang lakas daw ng loob ni Pokwang to look down on the mistresses:“Kuda siya diyan nang kuda nang hindi niya nalalaman ang mga pinagsasasabi niya!”Korek! Ronnie Carrasco III