MANILA, Philippines- Nanawagan ang Pilipinas sa mga kinauukulang bansa na pahupain ang sitwasyon sa Gitnang Silangan matapos ang ginawang airstrikes ng Israel sa Iran.
“The Philippines is gravely concerned over heightened tensions in the Middle East region following Israel’s airstrikes on Iran,” ang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang kalatas.
“With the welfare of the people of the Middle East and the Filipinos there in mind, the Philippines urges concerned countries to de-escalate and follow the path of peace,” dagdag ng departamento.
Sa ulat, matindi ang naging reaksyon ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan sa airstrikes ng Israel laban sa Iran.
Sa pamamagitan ng isang post sa social media, inilarawan ni Erdogan ang pag-atake bilang isang “open provocation” na ganap umanong binabalewala ang internasyonal na batas.
Ang Turkish president ay higit na nanawagan sa internasyonal na komunidad na itigil ang pag-uugaling ito ng Israel, na nagbabanta sa pandaigdigan at rehiyonal na katatagan.
“Dapat na agad na tapusin ng internasyonal na komunidad ang pagnanakaw ng Israel na naglalayong global at rehiyonal na destabilisasyon,” ayon kay Erdogan.
Binigyang-diin pa niya na ang Israel ay dinadala ang diskarte nito sa paglamon sa rehiyon sa karahasan at kaguluhan sa isang napakamapanganib na yugto.
Sa kabilang dako, wala pang natatanggap ang gobyerno ng Pilipinas ng anumang report na may nasaktang Pilipino sa ginawang airstrikes ng Israel sa Iran.
“The Philippine embassies in the region stand ready to assist Filipinos in their jurisdictions. So far, the DFA has not received reports of any Filipino hurt, injured, or otherwise affected as a result of the operations,” ang sinabi ng DFA.
Nauna rito, pinayuhan ng Philippine Embassy sa Israel ang mga Pilipino na panatilihing ligtas ang kanilang sarili matapos na ianunsyo ng IDF Home Front Command na ang Israel ay nasa ilalim ng ‘essential activity status’ mula alas-3 ng madaling araw ng June 13 hanggang alas-8 ng gabi ng June 14.
Sa ilalim ng essential activity status, suspendido ang klase sa buong Israel, ipinagbabawal ang anumang uri ng pagtitipon at suspendido rin ang trabaho maliban sa mga nagbibigay ng ‘essential services.’
Sinabi rin ang embahada ng Pilipinas sa Israel na kontakin ang emergency hotline nito: +972 54-4661188 para sa ‘urgent concerns.’ Kris Jose