Home NATIONWIDE DOJ, DSWD sanib-pwersa sa pagpapatupad ng Client Referral and Psychosocial Intervention Program

DOJ, DSWD sanib-pwersa sa pagpapatupad ng Client Referral and Psychosocial Intervention Program

MANILA, Philippines – Nagsanib puwersa ang Department of Justice at Department of Social Welfare and Development sa pagpapatupad ng Client Referral and Psychosocial Intervention Program.

Pormal na lumagda ang DOJ at DSWD ng memorandum of understanding sa pangunguna nina Justice Secretary Boying Remulla at Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian.

Salig sa MOA, ang mga kliyente ng DOJ, partikular na sa kanilang action center, piskalya, at public attorney’s office ay maaaring i-refer sa DSWD.

Tinukoy ng DOJ ang mga kliyenteng nabiktima ng rape, illegal recruitment, at iba pa na nangangailangan ng karagdagang tulong.

Ito ay makatatanggap ng libreng serbisyo kagaya ng therapy, medication, at financial assistance para sa pagsasampa ng kaso.

Maliban pa ito sa medical at funeral na tulong na ipagkakaloob ng DSWD. TERESA TAVARES