Home METRO Lolo laglag sa karumal-dumal na pagpatay; 4 kaanak na kasabwat pinaghahanap

Lolo laglag sa karumal-dumal na pagpatay; 4 kaanak na kasabwat pinaghahanap

MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang lolo na sangkot sa karumal-dumal na krimen sa Valenzuela kasabwat ang tatlo pa niyang kaanak matapos itong matunton sa tinutuluyan niyang bahay sa Quezon City.

Batay sa report mula sa tanggapan ni Northern Poice District (NPD) Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa tinutuluyang bahay ng akusado na si alyas “Badok”, 69, na nasa talaan ng lungsod bilang No. 2 Most Wanted Person.

Sa pakikipag-ugnayan sa Quezon City Police District (QCPD) at opisyal ng barangay, dinakip ng mga operatiba ng Warrant and Subpoen Section (WSS) sa pangunguna ni P/Lt. Jaime Abarientos si alyas Badok dakong alas-7:30 ng gabi sa kanyang tirahan sa Pook Pagasa, Batasan, Quezon City.

Ayon kay Col. Cayaban, kasama ni alyas Badok ang kanyang mga kaanak na sina alyas “Albino”, alyas “Roderick”, at alyas “Joeven”, nang isagawa ang pa-traydor na pagpatay sa kanilang biktima sa Valenzuela City.

Naglabas ng warrant of arrest si Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Branch 172 noong Nobyembre 26, 2024 laban sa apat nang hindi na sila mahagilap ng pulisya makaraan ang pagpatay.

Sinabi ni Cayaban na walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni alyas Badok habang patuloy nilang tinutugis ang tatlo pa niyang kaanak na pawang kabilang sdin sa No. 2 MWP sa lungsod. Merly Duero