Home METRO P200K tinangay ng mga magnanakaw sa meat shop

P200K tinangay ng mga magnanakaw sa meat shop

MANILA, Philippines – Nasa P200,000 cash ang nakulimbat ng mga holdaper makaraang pasukin at holdapin ng mga naka-puting van ang isang meat shop sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Ayon sa report, inilarawan ang mga suspek na unang sakay ng isang kulay itim na motorsiklo saka lumipat sa isang kulay puti na Starex van na may improvised plate number na 136610 at nakasuot ang isa sa kanila ng kulay orange na long-sleeved, itim na short, half face helmet, itim na sapatos sakay na nagsilbing driver ng motorsiklo habang ang isa ay nakasuot ng kulay itim na jacket, maong pants, itim na face mask, puting sapatos at naka itim na backpack at mga armado ng di nabatid na kalibre ng baril.

Base sa kuha ng CCTV, bandang alas-10:59 kamakalawa ng umaga ay pumasok ang dalawang suspek na armado ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa Fresh Hog Meatshop sa Brgy Calimag, ng nasabing bayan at agad na nagdeklara ng holdap sa may-ari na si alyas Bernard at tinangay ang humigit kumulang sa P166,500.00 cash.

Matapos nakuha ang pera, mabilis na sumakay ang dalawa sa isang motor na siyang naging get-away patungo sa hilagang direksyon.

Napag-alaman na pagsapit sa Brgy Dacon, lumipat ang dalawang suspek sa puting van at tinahak ang direksiyon ng Brgy. San Jose ng nasabing lugar

Patuloy ang manhunt operation ng pulisya habang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon para pagkakakilnlan sa mga suspek. MARGIE BAUTISTA