MANILA, Philippines – Aminado ang Department of Justice (DOJ) na nalilito ito kung tama na naisampa sa Tarlac regional trial court (RTC) ang kasong graft laban kay dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa halip na sa Sandiganbayan.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dudulog na sila sa Office of the Ombudsman hinggil sa usapin Upang masiguro na hindi mababasura ang kaso dahil sa teknikalidad.
Ayon kay Remulla, sa ilalim ng batas ang mababang korte ang may hurisdiksyon sa mga kaso ng mga low ranking public officials habang sakop ng Sandiganbayan ang kasong kinasasangkutan ng high ranking officials.
Maaring hindi aniya gaanong napansin ng mga piskal ang kaso ni Guo na nasa salary grade 30 na ang sahod ay mula PHP189,000 hanggang PHP211,000.
Sa Sandiganbayan isinasampa ang kaso laban sa mga opisyal ng pamahalaan na nasa salary grade 26 pataas l.
Nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) si Gui matapos iutos ng Capas RTC Branch 109 ang kanyang. Pag-aresto dahil sa kasong graft. Teresa Tavares