MANILA, Philippines — Nais ng Creamline Cool Smashers na masungkit ng Grand Slam at pangatlong titulo sa Premier Volleyball League.
Nabigo ang Creamline ang sa pagkumpleto ng isang PVL season sweep sa nakalipas na ilang taon at ngayon ay nagkaroon muli ng pagkakataon matapos masungkit ang 2024 Invitational Conference final.
Ginawa ng Creamline ang ikatlong sunod na biyahe sa championship round sa loob lamang ng apat na buwan matapos talunin ang Cignal, 25-18, 29-27, 17-25, 25-20, noong Lunes sa Mall of Asia Arena.
Dalawang linggo matapos malampasan ang two-set deficit para makuha ang come-from-behind win kontra Cignal sa Reinforced semifinal, iginiit ng Cool Smashers ang kanilang kahusayan kontra HD Spikers sa pagbabalik ng kanilang key cogs na sina Dawn Macandili-Catindig at Vanie Gandler.
Hindi nakapaglaro si Jema Galanza para sa Creamline ngunit ang trio nina Erica Staunton, Bernadeth Pons, at Michele Gumabao ay nagpatuloy sa paghahatid para sa Cool Smashers.
Muling susubok ang Creamline na gumawa ng kasaysayan sa Huwebes sa Araneta Coliseum kontra sa laban sa alinman sa Kurashiki Ablaze o Cignal.
Noong nakaraang taon, dinaig ng Ablaze ang Cool Smashers sa limang set na thriller para pamunuan ang Invitationals.
Nakakuha ang Creamlineng slot sa title game matapos iangat ang rekord nito sa 3-0 nang tapusin ang elimination round campaign nitong Miyerkules laban sa walang panalong Farm Fresh sa Philsports Arena, kung saan maaaring makabalik si Galanza.
Patuloy na nagningning si Gumabao sa ikatlong kumperensya na may 19 puntos kasama ang tatlong aces. Ang Reinforced Conference at Finals MVP Pons ay nagkaroon ng isa pang all-around game na may 15 puntos, 20 mahusay na pagtanggap sa 27 pagtatangka, at 17 digs.
Magsasagupa ang Cignal at defending champion Kurashiki–na may parehong sporting 2-1 slate – sa Miyerkules para a huling final seat.JC