Home NATIONWIDE DOJ itinangging nasa kritikal na kondisyon si Remulla

DOJ itinangging nasa kritikal na kondisyon si Remulla

MANILA, Philippines – Nasa maayos na kondisyon at walang isyu sa kalusugan si Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla.

Ito ang paglilinaw ng Department of Justice sa gitna ng mga tsismis na naka-confine ang kalihim sa isang intensive care unit (ICU).

“ The Secretary of Justice is well and about. There is no issue with his health,” ito ang iginiit ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres.

Mahalaga aniya na mapanatili na magkaroon ng panahon sa sarili para makayanan ang mga bagay na imaasikaso.

Maging si Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla ay itinanggi ang balitang nasa kritikal na kondisyon ang kapatid.

Sinabi ng DILG secretary na nakausap lamang niya ang kapatid.

Magugunita na July 2023 ibinunyag ni justice secretary Remulla na sumailalim siya sa heart bypass procedure ng biglang magpaalam sa trabaho at nag wellness leave.

Niyong Pebrero inamin naman ni Remulla na nagkaroon ng komplikasyon ang kanyang immune system mula ng maooperahan ngunit tiniyak na nakakrekober na at kaya nitong pamunuan ang kagawaran. Teresa Tavares