Home HOME BANNER STORY DOJ kinalampag ng kaanak ng missing sabongeros: Vigil, ikinasa

DOJ kinalampag ng kaanak ng missing sabongeros: Vigil, ikinasa

271
0

MANILA, Philippines – Kinalampag ng mga kaanak ng nawawalang sabongeros ang tanggapan ng Department of Justice (DOJ) para hilingin na maglabas ng resolusyon sa kaso.

Sigaw din ng mga kaanak na matagal nang naghihintay at nag-aasam ng hustisya na mapanagot ang mga nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa mga kaanak na sabungeros.

Kasabay ng kilos protesta, nagsagawa rin ng vigil sa harap ng DOJ para sa mga kaluluwa ng mga biktima, ilang araw bago ang paggunita ng Undas.

Pinagbabato rin ng mga kaanak ang tarpaulin ng mukha ni Atong Ang na nakahawak sa rehas.

Ayon sa Justice for Missing Sabugeros Network, umaasa silang makukulong ang mga sangkot kabilang na ang itinuturong mastermind na si Charlie “Atong” Ang.

Kapansin-pansin naman ang nakamaskara na isang lalaki at babae na tumutukoy kay Ang at aktres na si Gretchen barreto na idinadawit din sa kaso.

Tinapos ng DOJ ang preliminary investigation noong nakaraang linggo lamang matapos maghain ng counter affidavit ang karamihan sa akusado kabilang sina Ang at Barretto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here