Home NATIONWIDE DOJ maglalabas ng patakaran sa Summary Investigation and Expedited Preliminary Investigation

DOJ maglalabas ng patakaran sa Summary Investigation and Expedited Preliminary Investigation

MANILA, Philippines – Nilagdaan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Prosecution Service Rules on Summary Investigation and Expedited Preliminary Investigation.

Nilinaw naman ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla na ang bagong patakaran ay hindi lamang procedural updates.

“It embodies the Department’s steadfast resolve to address delays in case preparation, to strengthen prosecutorial engagement in investigations, and to expedite the justice process,” ani Remulla.

Ito ang magiging gabay para maging maayos, magkatugma at episyente ang paghawak sa mga kaso upang masiguro na ang mga ligal na hakbang ay magiging patas at nakabatay sa ebidensya.

Maipatutupad ang bagong Rules on Summary Investigation and Expedited Preliminary Investigation matapos ang 15 calendar days sa pagkakalathala sa Official Gazette o dalawang newspapers na may general circulation.

“Every reform we introduce, every guideline we clarify, and every procedure we update is a step closer to a justice system that is prompt, effective, and trustworthy,” dagdag ng kalihim.

Sinabihan ni Remulla ang lahat ng mga piskal na ang bagong Rules ay hindi lamang isang procedural document ngunit isang patunay sa layunin ng DOJ na hustisya at reporma.

Magugunita na una nang inihayag ng Supreme Court En Banc na kinikilala nito ang otoridad Department of Justice para ilabas ang 2024 DOJ-NPS Rules on Preliminary Investigations and Inquest Proceedings, kung saan sakop ang mga kaso na may parusa na anim na taon pataas. TERESA TAVARES