Home HOME BANNER STORY DOJ may impormasyon sa kinaroroonan ni Bato

DOJ may impormasyon sa kinaroroonan ni Bato

55
0

MANILA, Philippines – May hawak na umanong impormasyon ang Department of Justice (DOJ) sa kasalukuyang lokasyon o kinaroroonan ni Senador Bato Dela Rosa.

Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, kahit walang kautusan para sa manhunt laban sa senador ay maituturing pa rin aniyang valid ang inilabas na warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).

Dagdag pa ni Vida, kinikilala umano ng gobyerno ang bisa ng ICC arrest warrant na handang tumugon sa anumang kahilingan ng international court.

Nauna rito, naglabas ng lookout bulletin ang Bureau of Immigration (BI) para bantayan ang anumang galaw ng senador sa paglabas niya ng bansa.

Sa press briefing noong Biyernes, binanggit din ni Vida na bumuo na ng special panel ng prosecutors ang DOJ na siyang mag-iimbestiga sa shooting incident na nangyari sa loob ng Senado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here