MANILA, Philippines – Isang milyong pisong reward ang alok ng Department of Justice (DOJ) para sa magbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan at para maaresto si Cassandra Li Ong na nahaharap sa kasong huamn trafficking sa Pasig City RTC.
Ito ang inanunsyo ng DOJ nitong Martes, Nobyembre 25.
Si Ong ay isa sa mga akusado sa kasong human trafficking dahil sa pagkakasangkot sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub Lucky South 99 at Whirlwind Corporation sa Pampanga.
Kapwa akusado si Ong at si Atty. Harry Roque na parehong naisyuhan din ng kanselasyon ng pasaporte alinsunod sa kautusan na rin ng korte.
“The Department of Justie is formally annpuncing that it is offering a P1 million reward for credible, actionable information that will directly lead to the lawful discovery, location and subsequent arrest by authorized law enforcement agents of Cassandra Li Ong,” sinabi ni acting Justice Secretary Frederick Vida. Jocelyn Tabangcura-Domenden