MANILA, Philippines – INILUNSAD ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang “Oplan Paskong Sigurado” (OPS) na naglalayong pangalagaan ang online platforms sa panahon ng holiday.
Sinabi ni DICT Secretary Henry Aguda na ang programa ay ka-tandem ng pinahusay na “OPLAN CyberDome” (OCD) para tulungan na matiyak na ligtas ang online shopping platforms, e-wallet use at remittances na madalas na target ng mga scammers.
“Habang lumalaki ang digital activity ng ating mga kababayan, kailangan din lumakas ang proteksiyon ng gobyerno. Ang mga hakbang na ito ay ginawa para bantayan ang publiko at bigyan sila ng kumpiyansa na gumamit ng online platforms nang ligtas,” ang sinabi ni Aguda.
Nanawagan naman ang OPS sa publiko na maging alerto laban sa scams, i-report ang kahina-hinalang aktibidad at ipagdiwang ang holidays ng mapayapa.
Sa kaparehong panahon, paiigtingin ng DICT ang operasyon ng OCD, isang whole-of-government program na may law enforcement, telecommunication companies at iba pang partner o katuwang na naktuon sa anti-scam operations at cybersecurity monitoring.
Ang iba pang DICT partner ay ang University of the Philippines Diliman Extension Program (UPDEPPO) para sa Cybersecurity Microcredentials Program (CMP).
Layon ng prgrama na “train more cybersecurity professionals after the Data Protection Officers of the Philippines (NADPOP) said the country needs some 180,000 experts to protect just 10 percent of the country’s critical institutions and infrastructure.”
“Hindi natin mapoprotektahan ang bansa kung kokonti ang eksperto. Kailangan natin ng mas marami at mas handang Filipino cyber defenders,” ang pahayag ni Aguda.
Saklaw ng CMP ang tatlong courses: Security Operations Center Readiness and Cyber Foundations; Threat Detection and Incident Handling; and Governance, Risk Management and Compliance (GRC) Essentials.
Makatatanggap naman ang mga estudyante ng sertipiko ukol sa advanced cyber defense & GRC base sa hands-on laboratory experience at actual incident investigation.
“Hindi tayo dapat umasa sa ibang bansa para solusyunan ang ating cyber problems. Kaya natin itong buuin dito sa ating mga paaralan at sa talento ng ating kabataan,” ang winika pa rin ni Aguda.
Samantala, ang detalye ng enrolment procedure ng CMP ay iaanunsyo sa pamamagitan ng official channels ng UPDEPPO at DICT. Kris Jose