MANILA, Philippines- Posibleng pera ang nasa likod ng pagbasura ng Timor-Leste Court of Appeal sa extradition request ng Pilipinas para kay ex-Rep. Arnolfo Teves, Jr.
Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pineperahan umano ng ilang indibidwal sa Timor Leste ang kasong ito.
“Some people are making money out of this,” ani Remulla. Dagdag ng kalihim, “immature” o bata pa ang justice system ng Timor Leste.
Isa sa sinasabing basehan umano ng kanilang Court of Appeals ang umano ay death penalty at torture na maaaring danasin ni Teves sakaling ibalik ito sa Pilipinas.
Samantala, tiniyak ni Remulla sa mga naging biktima umano ni Teves na hindi sila titigil hangga’t hindi nakakamit ang hustisya. Teresa Tavares