Home NATIONWIDE DOJ sa Timor Leste: Deportasyon ni Teves ikasa agad

DOJ sa Timor Leste: Deportasyon ni Teves ikasa agad

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Department of Justice (DOJ) sa mga awtoridad ng Timor-Leste na agad i-deport o itapon pabalik ng Pilipinas ang dating mambabatas na si Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Ito ay matapos makatanggap ng ulat na tinangka umano ng anak ni Teves na suhulan ng $2,000 o P114,000 ang isang Criminal Investigation Police kapalit ng pagbibigay ng special treatment gaya ng pagkakaloob umano ng seguridad kay Teves sa Becora Prison kung saan ito nakakulong.

Si Teves ay kasalukuyang nasa ilalim ng pre-trial detention.

Iginiit muli ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dapat nang iuwi ng bansa si Teves upang magsimula na ang pagdinig ng korte sa patong-patong na kasong murder, frustrated murder at attempted murder laban sa dating mambabatas.

Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa.

Matagal na nagtago si Teves sa Timor Lester hanggang sa maaresto ito nitong Marso 2023 habang naglalaro ng golf. Teresa Tavares