Home NATIONWIDE 1,906 pasado sa April 2024 physician licensure exams

1,906 pasado sa April 2024 physician licensure exams

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes na 1,906 sa 3,434 ang pumasa sa Physician Licensure Examination na isinagawa noong April 2024.

Nanguna sa pagsusulit si Christopher Niño Duane Camay Mendoza ng Matias H. Aznar Memorial College of Medicine Inc. sa Cebu City, na nakakuha ng 89.25 percent rating.

Sinundan siya nina Edison Yu Ong ng University of Santo Tomas sa ikalawang pwesto sa 89.08 at Raian Isabelo Palacay Suyu mula sa Far Eastern University-Nicanor Reyes Medical Foundation sa 88.83.

Itinanghal naman ang University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center na top performing school. RNT/SA