Home NATIONWIDE Dangerous heat index nagbabadya sa 12 lugar ngayong Biyernes, Abril 19

Dangerous heat index nagbabadya sa 12 lugar ngayong Biyernes, Abril 19

MANILA, Philippines- Nasa 12 lugar sa bansa ang inaasahang makapagtatala ng dangerous levels ng heat index ngayong Biyernes, Abril 19.

Batay sa PAGASA nitong Huwebes, maaaring makaranas ang mga sumusunod na lugar ng heat levels na 42°C hanggang 51°C:

  • Dagupan City, Pangasinan – 43°C

  • Bacnotan, La Union – 42°C

  • Tuguegarao City, Cagayan – 42°C

  • Sangley Point, Cavite – 43°C

  • Ambulong, Tanauan Batangas – 44°C

  • Puerto Princesa City, Palawan – 43°C

  • Aborlan, Palawan – 44°C

  • CBSUA-Pili, Camarines Sur – 42°C

  • Roxas City, Capiz – 43°C

  • Iloilo City, Iloilo – 43°C

  • Dumangas, Iloilo – 43°C

  • Dipolog, Zamboanga del Norte – 42°C

Samantala, nakapagtala ang Roxas City sa Capiz ang “danger-level” at pinakamataas na heat index temperature sa 45°C nitong Huwebes.

Nasa ilalim ang nasabing heat index ng “danger” category, mula 42°C hanggang 51°C, ayon sa PAGASA.

Payo ng ahensya, limitahan ang outdoor activity, uminom ng maraming tubig at magsuot ng maaliwalas na pananamit upang maibsan ang epekto ng init. RNT/SA