Home NATIONWIDE DOJ, tikom sa proseso ng paglipat kay Sen. Bato sa ICC

DOJ, tikom sa proseso ng paglipat kay Sen. Bato sa ICC

44
0

MANILA, Philippines – Sakaling maaresto si Senator Bato Dela Rosa ay hindi ibubunyag ng Department of Justice (DOJ) ang mga detalye sa paglilipat ng kanyang kustodiya  para hindi masira ang layuning maiharap siya sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang inihayag ni pahayag ni DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez noong Biyernes.

Nauna nang sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na dadalhin sa DOJ si Dela Rosa, dating PNP chief sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sakaling maaresto.

Nahaharap si Dela Rosa sa arrest warrant ng ICC kaugnay ng umano’y pagiging co-perpetrator sa crime against humanity noong kampanya ni Duterte laban sa iligal na droga. Kasalukuyang nakakulong si Duterte sa The Hague.

Iginiit naman ng mga abogado ng mambabatas na dapat munang dumaan sa pagsusuri ng lokal na korte ang warrant ng ICC bago ito ipatupad. Noong Miyerkules, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Dela Rosa para sa temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng warrant ng ICC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here