Home NATIONWIDE Kasong plunder, bribery inirekomendang isampa vs Marcoleta sa P75M campaign donations

Kasong plunder, bribery inirekomendang isampa vs Marcoleta sa P75M campaign donations

52
0

MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Office of the Ombudsman na sampahan si Senator Rodante Marcoleta ng kasong plunder at tatlong bilang ng indirect bribery kaugnay ng umano’y P75 milyong campaign donations.

Kasama ring inireklamo sina dating kongresista Mike Defensor, Joseph Espiritu, at Aristotle Viray.

Ayon sa reklamo, nagbigay umano sina Defensor, Espiritu, at Viray ng P30 milyon, P25 milyon, at P20 milyon kay Marcoleta noong Enero 2025 para sa kanyang kandidatura sa Senado.

Sinabi ng Ombudsman na lumampas sa P50 milyon ang kabuuang halaga ng donasyon kaya maaari itong pumasok sa kasong plunder. Inakusahan din si Marcoleta ng indirect bribery dahil umano sa pagtanggap ng mga regalo dahil sa kanyang posisyon bilang opisyal ng gobyerno.

Lumabas din sa reklamo na hindi umano isinama ni Marcoleta ang P75 milyong donasyon sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at maging sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ayon sa Ombudsman, inutusan na sina Marcoleta at iba pang respondents na magsumite ng counter-affidavit sa loob ng 15 araw.

Nauna nang sinabi ng Commission on Elections na walang election offense si Marcoleta dahil nangyari ang donasyon bago magsimula ang opisyal na campaign period noong 2025 elections.

Samantala, sinabi noon ni Senator Panfilo Lacson na maaaring pumasok sa indirect bribery ang umano’y pagtanggap ni Marcoleta ng malalaking donasyon at “allocables.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here