Home NATIONWIDE DOJ tiwala na bago magpasko ay nasa Pinas na si Veloso

DOJ tiwala na bago magpasko ay nasa Pinas na si Veloso

146
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na bago ang pasko ay makukuha na ng Pilipinas ang kustodiya kay Mar Jane Veloso na hinatulan ng korte sa Indonesian ng habang buhay na pagkabilango.

Sa panayam sinabi ni DOJ Undersecretary Raul Vasquez na patuloy ang negosasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa counterpart nito sa Indonesia at binabalangkas na ang magiging kasunduan.

“Bago magpasko baka makuha na natin ang custody ni Veloso. May

Mga on-going negotiations pa kasi.. alam mo ang relasyon ng Pilipinas at Indonesia ay malawak,” ani Vasquez.

Patuloy rin ang pakikipag-usap ng administrasyong Marcos sa pamilya ni Veloso.

“On going ang pakikipag-ugnayan sa pamilya ni veloso. Remember 10 years in the making ito at ngayon lang nagkaroon ng opening,” dagdag ng DOJ official.

Aniya, katuwang ng DFA ang DOJ sa pagbalangkas ng magiging agreement para sa pagbabalik bansa ni Veloso para dito ituloy ang hatol laban sa kanya.

Una nang iginiit ni Velasco na hindi otomatikong pagkakalooban ng clemency si Veloso pagbalik ng Pilipinas dahil sa hindi magandang imahe na maaring ipakita ng Pilipinas sa international community.

Si Veloso ang domestic helper na nahulihan ng 2.6 kilograms ng heroin sa kanyang maleta noong 2010. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here