Home NATIONWIDE DOJ walang impormasyon kung nasaan si Atong Ang

DOJ walang impormasyon kung nasaan si Atong Ang

236
0

MANILA, Philippines – Wala pang kumpirmasyon o natatanggap na opisyal na impormasyon ang Department of Justice (DOJ) sa kung nakalabas na ng bansa si Atong Ang na itinuturing na pugante kaugnay sa nawawalang sabungeros.

Ang pahayag ng DOJ ay kasunod ng mga balitang kumakalat na umalis na ng bansa si Ang at ang iginigiit ng whistleblower sa kaso na naniniwalang nakalabas na ng Pilipinas ang negosyante noon pang Disyembre 2025.

Nauna na ring sinabi ng Bureau of Immigration na wala sa kanilang sistema ang anumang kamakailang travel record ni Ang palabas ng bansa.

Matatandaang may mga warrant of arrest si Ang mula sa mga korte sa Sta. Cruz, Laguna at Lipa, Batangas kaugnay ng mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention na walang piyansa matapos iturong mastermind sa pagkawala ng mga sabungeros.

Ayon sa DOJ ang sinumang nagkakanlong at tumutulong kay Ang para makatakas sa batas ay maaring maharap sa kaso dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagsisilbihan ng warrant of arrest dahil sa kanyang pagtatago. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here