MANILA, Philippines – Inilabas nina Sen. Marcoleta at Sen. Imee Marcos ang minority report sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y katiwalian sa flood control projects.
Tinukoy sa ulat ang ilang opisyal at pribadong indibidwal, kabilang sina House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, ilang dating DPWH officials, Curlee at Sarah Discaya, at Orly Guteza.
Inirekomenda ng ulat ang paghahain ng reklamo laban sa mga mapatutunayang may sala.
Lumagda dito sina Marcoleta, Marcos, Bong Go, Robin Padilla, Jinggoy Estrada, at Bato dela Rosa. RNT/MND







