Home NATIONWIDE DOLE: Empleyadong nasaktan sa masamang panahon maaaring makatanggap ng benepisyo

DOLE: Empleyadong nasaktan sa masamang panahon maaaring makatanggap ng benepisyo

1
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE)sa mga manggagawa na ang mga nasugatan o naaksidente sa trabaho dahil sa masamang panahon ay maaaring makatanggap ng benepisyo at tulong sa ilalim ng Employees’ Compensation (EC) Program ng Employees’ Compensation Commission (ECC).

Ayon kay ECC Executive Director Kaima Via Velasquez, sakop ng EC hindi lang ang aksidente sa loob ng trabaho, kundi pati ang ilang aksidente habang papunta at pauwi mula sa trabaho.

Binigyan niya ng halimbawa ang isang manggagawa na nadulas sa basang kalsada habang papasok o nahulog sa bukas na manhole.

Kabilang sa mga pangunahing benepisyong makukuha ng mga kwalipikadong manggagawa sa pribadong sektor ay ang income replacement.

Maaari rin silang magpa-reimburse ng medical expenses na aabot sa 60% ng gastos sa gamutan at konsultasyon.

Pinapayuhan ng ECC ang mga manggagawa na itago ang mga opisyal na resibo mula sa ospital at doktor para magamit sa pagproseso ng claim.

Para sa mga aksidente na nangyari sa labas ng workplace, kabilang ang mga aksidente sa biyahe papunta at pauwi, kailangan ng valid na dokumento ng insidente na ipapasa sa SSS o GSIS para mapatunayan ang eligibility sa EC benefits.

Ayon sa ECC, maaari ring humingi ng tulong ang mga manggagawa sa kanilang regional extension units o sa pamamagitan ng opisyal na website at online channels ng ECC sa http://ecc.gov.ph para sa impormasyon tungkol sa pag-file ng claims at iba pang benepisyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here