Home NATIONWIDE DOLE, naglunsad ng “TUPAD Tuloy Pasada” para sa Jeepney Drivers

DOLE, naglunsad ng “TUPAD Tuloy Pasada” para sa Jeepney Drivers

138
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes ang programang “TUPAD Tuloy Pasada” upang magbigay ng dagdag kita sa mga jeepney driver habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng krudo.

Sa ilalim ng programa, 134 jeepney driver na bumibiyahe sa piling ruta sa Metro Manila ang makatatanggap ng P695 kada araw, na katumbas ng minimum wage sa rehiyon.

Dagdag ito sa kanilang regular na kita mula sa araw-araw na pasada.

Bahagi ang programang TUPAD Tuloy Pasada ng hakbang ng DOLE para maibsan ang epekto ng taas-presyo ng gasolina sa mga public utility vehicle (PUV) driver.

Ayon sa DOLE, ang mga benepisyaryo ay napili mula sa profiling at validation kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ang mga hindi pa kasama ay maaaring mag-apply sa DOLE office at magpakita ng valid professional driver’s license.

Maaaring makatanggap ng tulong ang bawat kwalipikadong driver hanggang 30 araw, at target ng gobyerno na palawakin ito upang maabot ang humigit-kumulang 50,000 driver sa buong bansa.

Plano ring palawakin ang programa sa iba pang sektor tulad ng truck drivers na naghahatid ng produktong agrikultural.

Bagama’t ikinatuwa ng mga benepisyaryo ang programa, sinabi nila na mas kailangan pa rin ang pangmatagalang solusyon, lalo na ang pagbaba ng presyo ng gasolina. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here