Home NATIONWIDE Maisug, nagmartsa sa Korte Suprema para sa katarungan, solusyon sa krisis ng...

Maisug, nagmartsa sa Korte Suprema para sa katarungan, solusyon sa krisis ng bansa

105
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng martsa at piket ang samahang Maisug sa harap ng tanggapan ng Korte Suprema upang ipanawagan ang katarungan laban sa politikal na pag-uusig na nangyayari ngayon sa bansa.

Alas-9 ng umaga nang magtipon-tipon ang grupo sa Plaza Salamangka bago tumulak at nag martsa patungong Korte Suprema.

Pangunahing sigaw ng grupo na solusyunan ang malaking problema ngayon na kinakaharap ng taumbayan tulad ng kagutoman, pagbasura sa oil deregulation law, VAT sa langis, at aksyunan ang patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Panawagan din ng Maisug sa Korte Suprema na desisyunan na ang habeas corpus petition para kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Due process, ibigay kay Inday Sara,” sigaw pa ng mga Maisug.

Giit ng grupo, sa halip na puro impeachment ang atupagin ng gobyerno ay pagtuunan ng pansin ang kasalukuyang krisis na kinakaharap ng mga Pilipino.

Kasama rin sa panawagan ng grupo na ibaba ang presyo ng bilihin at itaas naman ang sahod.

Anila, sa panahon ng kasalukuyang administrasyon wala umanong nagawa kundi hakunin ang pera ng taumbayan kaya lalong naghihirap ang mga Pilipino kasama na ang mga negosyante.

Naging mahigpit naman ang pagbabantay ng mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) sa Padre Faura partikular sa tapat ng Korte Suprema upang mapanatiling maayos at payapa ang isinasagawang piket. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here