Home NATIONWIDE DOLE, PAGCOR nag-aalala sa mga mawawalan ng trabaho pero susunod sa atas...

DOLE, PAGCOR nag-aalala sa mga mawawalan ng trabaho pero susunod sa atas na POGO ban

140
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para sa libu-libong Pilipinong mawawalan ng trabaho matapos ang pagbabawal ng Philippine offshore gaming operators ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. POGO) sa bansa.

Sa kabila nito, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma at PAGCOR chairman and CEO Alejandro Tengco, na susundin nila ang mga utos ni Marcos kaugnay ng pagbabawal na inihayag sa 3rd State of the Nation Address ng Punong Ehekutibo.

“At dahil nandiyan na ang direktiba, binigyan naman ng transition period, gagawin ng DOLE ang kanilang pagi-implementa, pagba-balangkas kung paano natin paggagangin at hindi mahirapan ‘yung mga maapektuhan na mga manggagawa,” sabi ni Laguesma.

Sinabi pa ni Laguesma na inaasahan na ng DOLE at naghahanda para sa epekto ng POGO ban.

Sinabi ng Kalihim ng DOLE na may 22,000 Pilipino na nagtrabaho sa mga legal na POGO sa Metro Manila ang maaaring mawalan ng trabaho dahil sa ban.

Sinabi ni Tengco na ang kalagayan ng mga manggagawang mawawalan ng trabaho sa pagbabawal ay isang bagay na kailangang tingnan. Binanggit din niya ang iba pang negosyong konektado sa industriya ng POGO.

Binanggit din ni Laguesma ang ibang negosyo na konektado sa POGO industry.

Sinabi naman ni Tengco, na dapat pag-aralan kung may sapat na panahon para sa mga manggagawa na maapektuhan ng ban.

“Tulad ng sinasabi ko sa Kongreso at Senado, ang concern ko talaga yung mga trabahador na mawawalan ng hanapbuhay. ‘Yun din naman ‘yung ibang negosyo na nakakabit sa mga POGO,” sabi naman ni Tengco.

Naniniwala din si Tengco na posibleng dumami ang mga illegal na POGO kaya kailangan ang palikipag-ugnahan sa law enforcement agencies.

Siniguro naman niyang susunod siya sa direktiba ni Marcos na itigil ang lahat ng operasyon ng POGO sa pagtatapos ng taon.

“Pagsapit ng 2025, gagawin natin ang lahat ng magagawa para wala nang mago-operate na internet gaming license,” saad ni Tengco. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here