Home NATIONWIDE DOLE sa employers: Flexible work arrangements ikonsidera sa gitna ng matinding init

DOLE sa employers: Flexible work arrangements ikonsidera sa gitna ng matinding init

PILI, CAMARINES SUR- Hinimok ni Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma nitong Biyernes ang employers na magpatupad ng flexible working arrangements sa gitna ng tumataas na temperatura sa bansa.

Sa isang ambush interview sa job fair sa Kafuerte Complex sa lugar na ito, pinayuhan ni Laguesma ang employers na suriin ang kondisyon ng kanilang work environments, partikular ang the ventilation systems, at bigyan ang mga manggagawa ng libreng tubig upang maiwasan ang dehydration.

Binigyang-diin ni Laguesma na dapat ikonsidera ang flexible work options, kabilang ang work-from-home setups, para sa mga empleyadong hindi kinakailangan ang pisikal na presensya sa workplace.

“As long as the work is not affected, it is okay for employees to work remotely,” giit niya.

Pinaalalahanan din ni Laguesma ang employers na dapat payagan ang flexible working arrangements hangga’t hindi ito nakakaantala sa business operations. RNT/SA