MANILA, Philippines- Nakapagtala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 17.04-percent decrease sa krimen mula November 2024 hanggang March 2025, base sa capital law enforcement agency nitong Sabado.
Sinabi ng NCRPO na bumaba ang focus crime incidents mula 1,837 mula Nov. 23, 2023 hanggang March 2, 2024; sa 1,524 mula Nov. 23, 2024 hangganh March 2, 2025.
Kabilang sa focus crimes ang murder, homicide, rape, physical injury, carnapping ng mga motorsiklo at motor vehicles, at theft.
Iniulat din ng NCRPO ang crime clearance efficiency rate na 98.82 percent at crime solution efficiency rate na 72.24 percent.
Gayundin, iniulat ng capital police force ang pagkakaaresto sa 3,721 indibdiwal sa pamamagitan ng manhunt at warrant operations mula Nov. 23, 2024 hanggang March 2, 2025.
Bukod dito, 4,028 indibidwal ang nadakip sa 2,729 anti-illegal drug operations sa parehong period, kung saan nasabat ang P267,639,096.80 droga.
Nalambat din ng NCRPO ang 7,695 indibidwal sa 3,126 anti-gambling operations, nakumpiska naman ang P1,883,471 pot money.
Sa kampanya nito laban sa loose firearms, naiulat ng capital regional police ang pagkakahuli sa 796 indibidwal dahil sa firearm-related violations sa 776 operasyon, kung saan nasamsam naman ang 815 illegal firearms.
Nakapagtala pa ang NCRPO ng 662,150 violators ng local ordinances, kung saan nakolekta ang P180,887,273 multa. RNT/SA