Home ENTERTAINMENT Beauty, umeksena sa 100-year old na outfit!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Beauty, umeksena sa 100-year old na outfit!March 9, 2025 11:32 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – What better way to attract the public attention than don a vintage outfit at a showbiz event?Istariray nga si Beauty Gonzales nang umattend ng premiere night ng kanyang latest movie.Ang kasuotan lang naman niya’y ‘di hamak na mas matanda pa kesa sa kanya.One hundred years old lang naman ang suot na paandar niya.Nakuha raw niya ang attention-getting outfit na ‘yon mula kay Gloria Diaz.“Nagku-collect kasi siya, eh. Ibinenta raw ‘yon ng isang lola sa kanya na may mga kasamang belo,” paglalahad ni Beauty.Naiimadyin na raw niya itong suot-suot pag tumanda na siya.“Pantasya” ng aktres–magda-drive daw siya ng kotse papuntang simbahan with matching black scarf.“Ipagdadasal ko ang mga kasalanan ko. Hahaha!” aniya.Pero kapansin-pansin na may punit ang kasuotan niyang ‘yon sa bandang harap.“Naku, nagmamadali kasi ako. Pinilit kong ipasok ang ulo ko!” paliwanag ng Kapuso actress.Kilalang pag umaattend si Beauty ng mga showbiz events, she makes it a point to wear something from the past.Hindi naman ‘yon kataka-taka dahil art collector ang napangasawa niyang si Norman Crisologo.All-out support si Norman na present sa premiere night ng pelikula ni Beauty. Ronnie Carrasco III