Home ENTERTAINMENT Dolly, may pahayag sa Hollywood dream ni Liza!

Dolly, may pahayag sa Hollywood dream ni Liza!

Manila, Philippines – Dalawang beses na raw nakatrabaho ng Triangle of Sadness star na si Dolly de Leon si Liza Soberano.

Ito’y sa Bagani at Alone Together.

Hindi nga lang daw sila nagkaroon ng pagkakaton na mag-interact.

Nahingan kasi ng reaksyon si Dolly sa kontrobersyal na pahayag ni Liza nitong Abril.

Ayon sa aktres, mabilis na paraan daw para sumikat ang isang artista sa Pilipinas ay sa pamamagitan ng loveteam.

Ani Dolly, she sees the value of being identified with loveteams.

Depende raw ‘yon sa pananaw ng isang artista.

Kung ang isang artista raw ay hindi naniniwala sa tandem, then he or she should stay away from it.

Hindi raw masisisi ang marami kung naniniwala silang malaki ang maitutulong ng loveteam sa kanilang karera.

Ani Dolly, mas lamang ang mga kabataan sa populasyon natin who are able to identify themselves with loveteams.

Wala ring nakikitang masama si Dolly sa tinuran ni Liza.

Aniya: “She was just being honest to herself. She has the right to speak her truth.”

Ibinabahagi lang daw ni Liza ang kanyang mga karanasan sa showbiz noong panahong aktibo siya rito.

Marapat lang daw na ibigay natin ang espasyong karapat-dapat sa kanya.

Kumpiyansa naman si Dolly na tulad niya’y maaabot din ni Liza ang kanyang Hollywood dream.

Hindi pa nga lang naipapalabas, pero ang Lisa Frankenstein film in which Liza is cast beckons the start of promising things ahead.

“Sunud-sunod na ‘yan. Before you know it, dadagsain na si Liza ng maraming offers.”

Ano naman ang maipapayo ni Dolly sa ibang mga batang artista na may pangarap?

“Continue accepting work and at the same time hone your craft. In Liza’s case, she has already planted the seeds,” sabi pa ng Best Supporting Actress nominee sa BAFTA at Golden Globe.

Nauna nang naiulat na maraming artista ang pumalag sa pahayag ni Liza, kabilang na ang dating child star na si Manilyn Reynes. Ronnie Carrasco III