Home OPINION ‘EVILDOER’, WALANG PUWANG SA NAVOTAS

‘EVILDOER’, WALANG PUWANG SA NAVOTAS

VIRAL kamakailan sa social media ang panghuhuli ng Navotas City Police sa isang miyembro ng Manila Police District dahil sa pang-aabuso ng kapangyarihan bilang alagad ng batas.

Pinangunahan ni P/Col. Alan Umipig, Navotas City Police Station chief, ang pag-aresto sa pulis dahil sa pananakit sa traffic enforcer na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa batas trapiko ng lungsod.

Sa ipinakitang estilo nang pagdakip sa umabusong miyembro ng Manila’s Finest na napanood ng libong viewers, nakita kay Umipig ang tapang at dedikasyon sa pagganap sa kanyang tungkulin bilang maaasahang police official.

Ang batas ay batas ayon kay Umipig, minsang natalagang intelligence officer ng Northern Police District bago naging hepe ng Navotas Police.

Kuwento sa Chokepoint ng ilang opisyal ng Northern Police District, mula nang natalagang chief of police ng Navotas si Umipig, naging panuntunan na nito sa pamunuan ang “walang puwang sang kasamaan sa Navotas” o wala sa bokabolaryo ni Umipig ang “evildoer.”

Sabi pa ng mga pulis, nanindigan si Umipig na ang susuway ay may karampatang sanction na naayon sa batas.

May pruweba ang mga narinig nating balita tungkol sa miyembro ng class 1999 na ito ng prestisyosong Philippine National Police Academy kung pagbabasehan ang accomplishment bilang Navotas police chief.

Mahigit tatlong buwan pa lamang sa puwesto pero matatawag nang performer si Umipig dahil responsable ang kanyang pamunuan sa pagkadarakip ng 10 top most wanted persons, 39 most wanted at 62 na iba pang wanted persons – na may kaso sa Navotas.

Sa operasyon sa illegal drugs, umabot sa 81 drug personalities ang nahulog sa Navotas City Police Drug Enforcement Unit bukod pa sa mahigit P.5 million na halaga ng shabu na nakumpiska sa 41 na ikinasang police drug operations.

Kung higpit sa illegal gambling ang pag-uusapan, aba”y walang hihigit sa pinaiiral ni Umipig dahil “zero gambling” ang kanyang area of responsibility kaya naman masasabing “walang puwang dito ang lahat ng uri ng sugal.

Pero sa kabila ng kanyang paghihigpit ay may nagtangkang 25 na bet collectors ng illegal na gambling tulad ng lotteng kaya ang resulta – nasakote at kinasuhan sa korte ng Navotas police.