Home ENTERTAINMENT Dom, binalikan ang nakaraan, nagpaparinig kay Bea?

Dom, binalikan ang nakaraan, nagpaparinig kay Bea?

Manila, Philippines- Nagpapahaging nga ba si Dominic Roque in an attempt to win Bea Alonzo back?

Sa kanyang Instagram Story ay may kakaibang “paandar” ang model-businessman.

Finlex kasi ni Dom ang mga nakalkal niyang love letters he received from his ex-girlfriends, even his crushes.

Maging siya raw kasi ay mahilig magsulat at magpadala ng mga liham ng pag-ibig.

Aksidenteng natisod lang ni Dom ang mga well-preserved memento na ‘yon.

Naglilipat kasi siya ng bahay.

Pero may ilan pa ring love letters na naitabi niya.

Isa nga roon ay ang sulat mula sa kanyang crush noong first year high school pa siya.

Dated 2003 pa ang sulat na ‘yon.

Ayon sa post ni Dominic: “Ang sarap lang balik-balikan ang nakaraan!”

Dahil doon ay dumagsa ang mga comments mula sa mga netizens.

Anila, kung ‘yun daw ang inilatag na premise ni Dominic, that includes the joy of relishing his beautiful memories with Bea Alonzo.

Kaya tanong nila–hindi pa raw ba ito naka-move on, in stark contrast kay Bea na nag-e-entertain na ng kanyang mga manliligaw?

Mahirap daw bang maka-get over mula sa relasyon nila ng aktres?

In fairness, may mga nakakaunawa naman kay Dominic.

Ayon sa kanila, nag-senti lang daw ‘yung tao.

Pero hindi raw ibig sabihin that Dominic wants Bea back to his life.

Kamakailan nga’y maging ang nilipatang rented condo unit ni Dominic ay sinisilipan ng intriga ng mga “Marites.”

Obyus na ‘yung mga nang-iintriga ang hindi pa nakaka-move on sa isyu noon kay Dominic linking him to a gay benefactor.

Na hindi naman napatunayan! Ronnie Carrasco III