Taipei, Taiwan – Galak na galak ang buong produksyon at cast ng “Malditas In Maldives” nang magwagi ito ng Best Picture sa WuWei Taipei International Film Festival.
Ayon kay Direk Njel de Mesa, “Hindi namin ito inaasahan dahil hindi ito yung typical na pelikula na madaling sakyan,” sabi ni Direk Njel de Mesa na sanay naman makatanggap ng parangal sa kanyang sining (katulad ng mga “Aliw at Palanca” Awards).
“Kinukutya kasi namin sa pelikula ang mga taong may short attention span nang dahil sa social media consumption by making the story loop,” dagdag pa ni Direk.
Nanalo ng Best Picture ang dark comedy nilang pelikula at tinawag ng mga kritiko sa Taipei bilang isang natatanging pelikula na may di inaasahang plot twist!
Ang prestihiyosong parangal ay iginawad sa matagumpay na ikatlong WuWei Taipei International Film Festival, Philippine Night Awarding Ceremony sa Westar Theater, Taipei Cinema Park, Ximending, Taipei ng jury ng Filcom Taiwan Network (FTN), EEC, Maryknoll at marami pang iba na nag-organisa ng event—sa tulong ng Taipei Film Commission.
Nagpasalamat si Direk Njel sa lahat ng mga organisasyon at indibidwal na sumuporta sa Philippine Delegation, na isang bahagi lamang ng Taipei film festival.
“Hindi namin magagawa ito nang wala ang mga taong naniniwala sa amin, katulad ni Senator Bong Go,” pahayag ni Direk Njel sa kanyang acceptance speech.
Dugtong pa niya, “Nalimutan ko noon pasalamatan nang dahil sa kawindangan ko, ang co-producer namin na si Arci Muñoz… gusto ko lang sabihin na si Arci ang nagbigay ng pakpak sa akin.
“Arci, you have given me wings to be who I am and to do these films. You are the person who truly see and believe in my vision and brilliance. Thank you to you, my sister”.
Naging magkapatid na kasi ang turingan ng co-producing tandem nina Direk Njel at Arci.
Ang pelikula ay tinawag din na isang art film na nagkukubli bilang isang commercial comedy film.
Marami tuloy ang nagtatanong kung kailan nga ba mapapanood ang natatanging pelikula na ito sa Pinas na pinagkakaguluhan sa abroad? Julie Bonifacio