MANILA, Philippines – Nakatakdang gumamit ng artificial intelligence (AI) ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa weather forecasting nito, sinabi ni Science and Technology Secretary Renato Solidum nitong Miyerkules, Setyembre 11.
Ang pahayag na ito ni Solidum ay kasabay ng deliberasyon ng Senate subpanel on finance sa 2025 proposed budget ng Department of Science and Technology.
“Soon we will now operate, for our research program, to use artificial intelligence in weather forecasting. So instead of every three hours computation, we are aiming to provide a forecast every 15 minutes,” sinabi ni Solidum.
“Once we are able to develop the AI-improved weather forecast, for example 15 minutes ang target natin, every five days meron pong forecast ang Pagasa ng rain [pero] gusto naming maging 14 days ‘yun with AI,” dagdag pa niya.
Samantala, sinabi ni Pagasa Administrator Nathaniel Servando na pagdating sa monitoring infrastructure, nagbigay ng suporta ang pamahalaan sa PAGASA kaugnay sa paglalagay ng mas maraming pasilidad sa pamamagitan ng PAGASA modernization.
Sa ngayon ay mayroon umanong 19 na radar ang ahensya sakop ang buong bansa.
“Of course, there are other facilities like coastal radars. Hindi lang namin tinitingnan yung mga industries or general public, but yung sectors like the aviation sector, maritime industry,” dagdag pa niya. RNT/JGC