Home ENTERTAINMENT Dominic, iniatras na ang cyberlibel case kay Cristy!

Dominic, iniatras na ang cyberlibel case kay Cristy!

149
0

Manila, Philippines – Nakakahinga na nang maluwag.

Nabunutan na ng tinik si Cristy Fermin makaraang maabswelto sa kasong cyber libel na isinampa laban sa kanya ni Dominic Roque.

Tanghali nitong February 18 nang matanggap ng beteranong mamamahayag ang dokumentong pirmado ni Presiding Judge Gerard C. Tomacruz na nagsasaad na off the hook na siya.

May 31, 2024 nang sampahan ni Dominic si Cristy ng nasabing reklamo sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Ito’y base sa umano’y malisyosong ulat ni Cristy sa programang Showbiz Now Na.

llang araw bago ito’y iniatras na ni Bea Alonzo ang kaparehong kaso laban kay Cristy, kasama ang dalawang co-hosts niya sa SNN.

Pero mas naunang iniurong ng mag-asawang Sharon Cuneta at Senator Francis Pangiilinan ang kaparehong kaso noong 2025.

Ipinahayag ni Cristy ang maluwag na niyang pakiramdam sa nangyari sa kaso ni Dominic.

Ani Cristy, napakabigat daw ang taong 2024 sa kanya dahil limang kaso ang binuno niya–pero ang lahat ng ‘yon ay cyberlibel. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here