Manila, Philippines – Ang lagay ba naman, magpapatalo si Kathryn Bernardo kung ganda din lang ng mukha ang pag-uusapan?
Never, dearie!
Ayaw ngang mag-concede ang mga diehard fans ng Kapamilya actress na hindi makasama ang kanilang idolo sa talaan ng may pinakamagandang fez all over the world.
Nominated lang naman si Kathryn sa latest post sa X ng TC Chandler sa 100 Most Beautiful Faces 2026.
Ilan nga sa mga katunggali ni Kathryn ay mula sa Korea, Japan, USA, India, Italy at iba pa.
Kaya naman in celebratory mood ang mga Kathryn fans.
Looking back, the first to have been nominated was Liza Soberano, followed by Kim Chiu.
Sinundan ito nina Alexa Ilacad, Andrea Brillantes, Maris Racal, Bini Aiaha then Kathryn.
Dagdag publicity mileage din ang nomination ni Kathryn para paingayin ang serye nila nina James Reid at Maja Salvador. Ronnie Carrasco III