MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang iba’t ibang weather system sa bansa ngayong araw, Pebrero 22.
Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms ang shear line sa Eastern Visayas, Misamis Oriental, Camiguin, Surigao del Norte, at Dinagat Islands.
Northeast Monsoon o Amihan naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Aurora, at Quezon, at bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at nalalabing bahagi ng Visayas.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC