Home ENTERTAINMENT Dominic, iwas na magpainterbyu!

Dominic, iwas na magpainterbyu!

Manila, Philippines – Taong 2018 pa pala nag-quit si Dominic Roque sa showbiz.

Mas pinili niya kasing mag-concentrate sa pagiging content creator.

Kasama ang kanyang mga business partners, nakatutok din si Dominic sa pag-organisa ng mga events.

Kaya kumbaga, politically incorrect nang sabihin na siya ay artistang wala namang project.

Dahil nga tumalikod na siya sa showbiz, ipinauubaya na lang niya sa kanyang nobyang si Sue Ramirez ang pagpapainterbyu sa press.

Tila may hatid din kasing trauma ang mga panahong nagbigay siya ng interviews noon.

Ani Dominic, kapag nag-quote siya, madalas siyang mabash.

Kahit palabas siya sa showbiz, masaya naman daw siya.

Speaking of pagiging masaya, napansin ng isang reporter na mukhang masaya si Dominic para sa ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Siyempre, ang tinutukoy ay ang lovelife ng aktres.

All over town na may “something” daw sa pagitan ni Bea at ni Vincent Co, anak ng may-ari ng isang sikat na chain of supermarkets sa bansa.

For sure, masaya rin si Bea para kay Dominic at Sue.

Eh, ‘di it’s a tie! Ronnie Carrasco III