Home ENTERTAINMENT Heart, dedma sa bash kay Sen. Chiz!

Heart, dedma sa bash kay Sen. Chiz!

217
0

Manila, Philippines – Kinukuyog sa social media ang mister ni Heart Evangelista na si Senate President Chiz Escudero.

May mga nagpo-post pa nga ng panawagan na i-disbar si Sen. Chiz dahil umano sa paglabag sa mga batas sa pagdinig ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

May lumabas na art card na may nakasulat na “Disbar Escudero” at caption pa na, “There were many grounds for disbarment.”

May iba pang nag-post ng mga pahayag gaya ng:
“FORTHWITH DISBAR HIM!!!”
“Tanggalin ang ‘MAKATA’.”
“Disbar Escudero or DisBrow Escudero. Naging amag na lang ng keso itong si Chiz.”

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din kay Sen. Chiz, na nagsasabing:

“Ano anong mga grounds? Baka kwentong barbero lang kayo.”
“Kayo ang tunay na mga DIKTADOR. Lahat na lang ng bagay na di umayon sa gusto nyo, yun na agad gusto nyo. Akala ko ba demokrasya tayo? Haha mga FEELING RIGHTEOUS.”

Habang nahaharap sa matinding kontrobersiya si Sen. Chiz, tuloy naman ang mga “fashion things” ni Heart Evangelista sa Paris. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here