Home ENTERTAINMENT Rosenda, pinarangalang Icon of Elegance sa Dubai!

Rosenda, pinarangalang Icon of Elegance sa Dubai!

224
0
Screenshot

Dubai, UAE – Isang malaking karangalan para sa Pilipinas ang muling naipagmalaki sa mundo ng fashion nang italaga si Rosenda Caraje bilang The Icon of Elegance sa prestihiyosong Fashion Factor Dubai 2025.

Si Rosenda ay isang trailblazing entrepreneur at influential figure sa beauty at wellness industry.

Ang award na ito ay iginagawad lamang sa mga personalidad na may natatanging kontribusyon sa fashion industry sa pamamagitan ng estilo, klase ng pananamit, at impluwensya sa modernong elegansya.

Kilalang-kilala si Caraje sa kanyang classy ngunit bold na fashion sense, at hindi lamang siya representasyon ng Filipina beauty at grace, kundi isa ring modelo ng tagumpay ng mga Pilipinong negosyante sa abroad.

Kasunod ng kanyang pagkapanalo, inimbitahan si Rosenda na dumalo at maglakad sa runway ng Dubai Fashion Week 2025. Suot ang sariling disenyo na gawa sa mga lokal na tela mula sa Pilipinas, naging instant crowd favorite siya.

Hindi lamang ito nagpahanga sa mga hurado kundi nagsilbing inspirasyon sa mga kababaihang Pilipino na may pangarap sa fashion industry.

Bukod sa kanyang mga tagumpay bilang fashion icon, kilala rin si Rosenda sa kanyang signature products na sumasalamin sa kanyang panlasa sa estilo.

Bilang visionary brand owner at CEO ng Gorgeous Glow Philippines at Rosenda Shapewear, naitatag niya ang isang global empire na nagbibigay-inspirasyon sa marami upang maging best version ng kanilang sarili.

Noong 2017, inilunsad niya ang Gorgeous Glow Philippines, isang e-commerce business na nag-aalok ng luxury handbags na gawa sa premium materials at may Filipino-inspired detailing, custom accessories mula sa makukulay na scarves hanggang handcrafted jewelry, at limited edition dresses na idinisenyo para sa mga empowered women.

Ang kanyang brand ay kilala sa sophistication, kalidad, at authenticity, at patuloy na pinupuri sa mga fashion-forward communities sa UAE, Europe, at Pilipinas.

Lumaki si Rosenda na may entrepreneurial spirit, na nagsimula sa pagbebenta ng iba’t ibang produkto noong siya ay estudyante pa. Ang sipag at tiyaga ng kanyang mga magulang ay naging pundasyon ng kanyang tagumpay.

Sa isang interview matapos ang kanyang pagkapanalo, sinabi niya, “Ang award na ito ay hindi lang para sa akin, kundi para sa lahat ng Pilipinong nangangarap. Elegance is not just how you look—it’s how you carry yourself with dignity, wherever you are in the world.”

Tunay na si Rosenda ang larawan ng isang global Filipina—may ganda, talino, at puso para sa sining ng fashion.

Sa kanyang tagumpay sa Dubai at sa patuloy na paglago ng kanyang negosyo, patuloy siyang nagbibigay inspirasyon sa mga kababayang nagnanais makilala sa international stage.

Sa pamamagitan ng kanyang sariling platform, nakapagtamo siya ng daan-daang libong followers at milyun-milyong customers sa buong mundo, at ang kanyang brand ay naging kilalang pangalan sa beauty at wellness industry. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here