MANILA, Philippines – Inendorso ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paggamit ng mga pangalang Pilipino para sa 131 katangian sa Kalayaan Island Group (KIG) sa West Philippine Sea.
Nilagdaan ni DFA Secretary Enrique Manalo ang National Maritime Council Resolution No. 002 (2025) na nirerekomenda sa Pangulo ang paglalabas ng Executive Order para sa standardisasyon ng mga pangalang ito.
Ayon kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza, layon ng hakbang na pagtibayin ang karapatang-soberanya ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea at ipatupad ang 2024 Philippine Maritime Zones Act.
Gagamitin ang mga opisyal na pangalan sa lahat ng ahensya ng gobyerno. Bahagi ang KIG ng Spratly Islands sa South China Sea. RNT