Home ENTERTAINMENT ‘DominSue,’ ini-launch na!

‘DominSue,’ ini-launch na!

Manila, Philippines – Now it can be told–kumpirmado na ngang selyado ang real-Ife romance nina Sue Ramirez at Dominic Roque!

This came after ipinost ni Dominic ang ilan sa kanilang throwback photos ni Sue.

The couple is aptly called “DominSue.”

Isa nga sa mga balik-tanaw na larawan ng dalawa was their fun dinner at the resto owned by couple Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo in Alabang.

Nagsilbi ngang “piping saksi” ang Angry Adobo to what exists between the two of them.

Kabilang sa mga nakisaya sa get-together na ‘yon ay ang Agoncillo couple, Miles Ocampo and Elijah Canlas at si Kathryn Bernardo.

In a sense, pa-hard launch na rin ‘yon ng DominSue bilang opisyal na bagong real-life couple this side of showbiz.

Matatandaang may “prelude” na sa rebelasyong ito sa red carpet ng MMFF entry na The Kingdom in which Sue starred.

Back then, pag-amin na lang ang kulang sa kanila as prior to this, Sue and Dom made waves at a bar in Siargao.

Clearly, Dominic has already bounced back after his failed relationship with Bea Alonzo.

Inaantabayanan ng mga DominSue supporters ang formal engagement ng dalawa.

With Dominic already having moved on, kailan naman kaya susunod si Bea na napabalitang may mga naniningalang-pugad para mapasagot siya? Ronnie Carrasco III