Home ENTERTAINMENT Alex, binisto ang ‘bedroom secret’ ng asawa!

Alex, binisto ang ‘bedroom secret’ ng asawa!

Manila, Philippines – Kinalolokohan ngayon ang game na Suspek, Suspek to the point na trending ito.

Ang mechanics nito’y kung saan ang isang participant ay ide-describe ang kalaro na umaarteng tumatakas.

The idea of the game ay kallangang “offensive” ang paglalarawan sa suspect.

Mapapanood sa TikTok na sumabak ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Aware of how the game is played, hindi masikmura ni Mikee na kahit mga pinakatagu-tagong bagay sa buhay nilang mag-asawa ay maaatim na ibuko ni Alex.

Take note that Mikee has an image to protect lalo’t tumatakbo siya sa mas mataas na elective post sa Batangas.

Kumbaga, kung wholesome revelations din lang for the sake of fun ay walang kaso kay Mikee.

Tulad na lang ng hirit ni Alex na: “Suspek, suspek…ang laki ng noo!”

Medyo negative man ang description ay itinawa lang ‘yon ni Mikee but not the next hirit of his wife.

Followup ni Alex: “Suspek, suspek…ang bilis matapos!”

Inalmahan agad ‘yon ni Mikee, saying na ang ganoon kapribadong bagay ay hindi na dapat binibisto pa.

Siyempre, gets agad ng mga netizens what Alex meant by that.

In short, “bedroom secret” nila ‘yon.

Agad naman bumawi si Alex by saying: “Suspek, suspek…selos na selos sa mga ex ko!”

At least, mild na at walang sexual undertones.

It was Mikee’s turn kung saan puro positibo ang mga description niya sa kanyang misis.

Ilan sa mga ito’y: “Suspek, suspek…love na love ko!”

Another one was: “Suspek, suspek… napakaganda!”

Hirit pa ni Mikee: “Suspek, suspek…ang bango ng anit!”

Lastly, the young local politician said: “Suspek, suspek…ang bango ng hininga sa umaga!”

Bagama’t flattered si Alex ay in-insist niya na hindi raw nasakyan ni Mikee ang objective ng game.

Mikee countered by saying na ayaw daw niyang ma-offend ang kanyang misis.

He’d rather highlight daw his wife’s good points.

Sa madaling salita, ang nilaro ng couple ay maliwanag na isang exercise in futility! Ronnie Carrasco III