Home ENTERTAINMENT Barbie, na-scam na, sinisi pa!

Barbie, na-scam na, sinisi pa!

Manila, Philippines – Matatawag na double whammy ang sinapit ni Barbie Imperial kamakallan.

Nabiktima na nga siya ng mga walang kunsensyang scammer, nasisi pa ng ilang netizens.

Ang siste, Barbie placed an online order of hand mixer.

Ipinagpapalagay na alpha numeric ang gamit ng inorderan niya ng product seller.

Laking gulat ng Kapamilya actress na sa halip na hand mixer ang dumating ay isang pares ng medyas ang natanggap niya.

Barbie even posted the photo of the pair of socks na nagkakahalaga ng P4,000.

Gayunpaman, idinaan pa ‘yon ni Barbie sa tawa as she captioned: “Hahaha! Scammed!”

May ilan sa mga netizens ang nakisimpatya sa kanya.

Sey ng isa: “Ang dami talagang naglipanang masasamang tao online!”

‘Yung iba naman heaped the blame on her.

Bakit daw kasi hindi muna tsinek ni Barbie ang nagbebenta ng hand mixer?

Dahil masasabi nga namang pagkukulang niya ‘yon, the netizen added Barbie had herself to blame.

May isa pang nagmarunong na nag-lecture pa sa kanya para hindi na maulit pa ang karanasang ‘yon.

“Dapat kasi sana’y sa authorized store siya umorder at hindi from some fly by night online shop, hayan tuloy!” kuda ng isa pa.

Hindi na bago ang ganitong disgusto among online product patrons.

Kadalasan, maganda lang ang produkto sa litrato but it doesn’t look that way sa aktwal na itsura nito.

Buti na lang, what Barbie lost to the scammer ay barya-barya lang–pero paano na ang ibang ordinaryong mamamayan?

Pag ganito ang nangyayari, anong ahensya ng gobyerno puwedeng idulog ang kaso?

Anong safeguards o proteksyon ang maaaring panghawakan ng mga consumer laban sa mga unscrupulous online sellers na ito nang hindi na makapambiktima uli?

Haist! Ronnie Carrasco IIi