Home NATIONWIDE Amihan iiral sa Luzon

Amihan iiral sa Luzon

MANILA, Philippines- Nakaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) sa Luzon ngayong Lunes at magpapaulan. Umiiral naman ang easterlies sa natitirang bahagi ng bansa, batay sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Cagayan Valley, Aurora, at Quezon dahil sa Amihan.

Inaasahan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains.”

Makararanas naman ang natitirang bahagi ng bansa ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa Northern Luzon at sa eastern section ng bansa, at slight to moderate sa natitirang bahagi ng Pilipinas.

Sumikat ang araw ng alas-6:15  ng umaga at lulubog ng alas-6:03 ng hapon. RNT/SA

Previous articleSUNOG KAHIT SAAN; TOWERING INFERNOS
Next articleEDSA People Power ginunita