Home ENTERTAINMENT Donita, proud sa facelift!

Donita, proud sa facelift!

California, USA – Physical healing naman ang pinagtuunan ng pansin ni Donita Rose.

Partikular na sumailalim sa facelift ang 49 anyos na aktres.

Simple lang daw ang kanyang dahilan sa likod ng cosmetic surgery.

Gumawa raw kasi siya ng isang indie film, at habang pinapanood ang sarili’y napansin niyang nagsa-sag ang kanyang mukha.

Doon na rin napagtanto mismo ng dating MTV veejay na hindi talaga mapigilan ang aging process na pinagdadaanan ng bawat tao.

“Beauty is something that doesn’t come easy,” sey ni Donita.

Bukod ito sa katotohanang may nakakabit na stigma sa mga sumasailalim sa cosmetic enhancement.

Pero depensa niya, wala naman daw masama doon if a person wants to feel good about himself.

Inilagay na raw ni Donita sa kanyang isip ang sasabihin ng kanyang mga kaibigan who believe she doesn’t need one.

Pero pagkatapos daw siyang ma-heal mentally at spiritually, because of physical manifestations, Donita saw the need to for a facelift.

llang buwan na rin daw nila itong pinag-uusapan ng kanyang asawang si Feldon Palad.

Very supportive naman daw ang aniya’y gorgeous husband niya sa kanyang desisyon.

In fact, ang kapatid nito na bale hipag niya ang sumama pa sa kanya when she underwent the said procedure.

Matatandaang ikinasal si Donita kay

Feldon na isang gospel recording artist noong September 2022.

Donita had a previous partner before Feldon.

Kunsabagay, may kasabihan ngang: “It’s right when it feels good!”

So, what’s wrong with going under the knife lalo’t kung makakatulong ito na i-boost ang iyong kumpiyansa sa sarili? Ronnie Carrasco III